Sunday, September 30, 2018

Meet the Bataan Risers' homegrown Bataenos: Francis Ebidag


Each team playing in the Maharlika Pilipinas Basketball League is required to sign up three (3) homegrown players. Now meet them.

Profile on the homegrown Bataan Risers: Francis Flores Ebidag


Taga saan ka sa Bataan
Francis: Taga-Dinalupihan, Bataan ako; hometown din ni Gary David!

Bakit basketbol ang nahiligan mo?
Francis: Basketball pinili ko kasi sobrang exciting at saka happy kapag may mga fans na nag che-cheer. Lalo kang gagaganahan. At saka malaking tulong to para sa family ko dahil meron kang pagkakataon magka-scholarship at malaking tipid yan sa tuition. At may chance ka magkaroon ng professional career.

Ako nga pala ay nag-college sa AMA Computer University sa Muñoz, Quezon City at nakapaglaro ako sa NAASCU noong 2008-2012.

Ano yung pakiramdam na kasama ka sa Bataan Risers?
Francis: Sobrang saya ko. Natupad yung big dream ko. Akala ko na hindi ko na matutupad yung pangarap ko. Masasabi ko lang sa mga players na katulad ko na nangangarap makapasok dito sa MPBL tiyaga lang at laging mag pray kay God para matupad nila yung pangarap nila. Magpasalamat lagi sa mga biyaya.

Ano yung experience naglalaro ka para kay Jojo Lastimosa na tinuringan as one of the 40 Greatest PBA players?
Francis: Sa totoo lang… nung una, may halong takot at saya kasi siympre Jojo Lastimosa yun. One of the best Filipino basketbol players ever. Ibang level yan. At saka happy ako dahil may matututunan na naman ako na bagong drills at plays. Kaya thank you sa Bataan Risers.

So one-of-a-kind ba yung experience representing your hometown of Bataan?
Francis: The best feeling! Siympre kasama ka sa Bataan Risers at proud ako ma-represent bayan ko. Ibang klase dahil nag-represent ka ng mga tao na kilala mo. Masaya! 

Sino yung pinakamakulit at masayang teammate sa Bataan Risers at bakit?
Francis: Halos lahat, eh. Haha Pero si Gio Espuelas, Jayjay Alejandro, at Gab Danganon. Masaya silang mga tao. Hindi ka ma-down.

May pagkakataon ang Bataan Risers na lumahok para sa kampeonato. Ang masasabi mo rito?
Francis: Championship? Ide-dedicate ko lahat ng gagawin ko sa Bataan. Salamat ng grabe sa supporta nila na. Kaya lahat gagawin namin para makuha yung championship!


No comments:

Post a Comment