Each team playing in the Maharlika Pilipinas Basketball League is required to sign up three (3) homegrown players. Now meet them.
Profile
on the homegrown Bataan Risers: Christian Medina Capuli
Edad at taga saan ka sa Bataan
Christian: 25 years old ako at taga-Samal,
Bataan!
Bakit basketbol ang nahiligan mo?
Christian: Marami ako natutunan sa sports. Hindi
lang yung values ng teamwork at hardwork kasama na rin yun respeto sa mga
nakakataas at yung mga pagkakataon na binibigay ng laro tulad ng education. Sa
basketball lang ako sumaya kaya minahal ko talaga ung paglalaro. At idol ko si
Ranidel De Ocampo. Ibang klase siya maglaro at magdala ng pagkatao niya.
Nag varsity ako simula high school hanggang college sa Bataan Peninsula
State University noong 2010-2014.
Ano yung pakiramdam na kasama ka sa
Bataan Risers?
Christian: Siyempre masarap sa felling na
tinatawag kang, “MBPL player yan. Bataan Risers yan. Malakas yan. Kaya nakuha
yan sa dami daming magagaling sa Bataan isa siya sa napiling ma-line up sa Bataan
Risers.” May-pride ka dahil nakasama ka rito. Malaking karangalan.
Ano yung experience naglalaro ka para
kay Jojo Lastimosa na tinuringan as one of the 40 Greatest PBA players?
Christian: Masaya ako na yung mga pangarap ko nung
bata ako na makakalaro ko din sa professional na liga ay natupad. Tapos Jojo
Lastimosa pa yung coach na tinitingala na isa sa best natin sa buong kapuluan…
malaking bagay ito para sa akin.
So one-of-a-kind ba yung experience
representing your hometown of Bataan?
Christian: Siyempre masarap sa pakiramdam. Dati lang nasanay lang
ako ipaglaban yung barangay ko kung saan ako nakatira at yung college school
kung saan ako nag aaral pero ngayon iba yung pinaglalaban ko at ng koponan
namin… pinag lalaban namin ang buong Bataan.
At “Bataan” na nakalagay sa uniporme ko so masarap sa pakiramdam. At
proud akong taga-Bataan ako at pinag lalaban ko ang sarili kong bayan. Lalo
kang gaganahan maglaro dahil todo suporta ung mga taga-Bataan tuwing mag-game
kami.
Sino yung pinakamakulit at masayang
teammate sa Bataan Risers at bakit?
Christian: Ang pinakamakulit para sa akin siguro
si Gio Espuelas kasi ano ano lumalabas sa bibig niya na salita at masayahin tao
din siya.
May pagkakataon ang Bataan Risers na lumahok para sa
kampeonato. Ang masasabi mo rito?
Christian: Championship ang sisimbulo ng tagumpay
ng bawat Bataeño. Sa tagumpay man at kabiguan sama sama namin ipinaglalaban ang
hangarin maangat ang husay at galing ng Bataeños.
No comments:
Post a Comment