Sunday, September 30, 2018

Meet the Bataan Risers' homegrown Bataenos: Gio Espuelas


Each team playing in the Maharlika Pilipinas Basketball League is required to sign up three (3) homegrown players. Now meet them.

Profile on the homegrown Bataan Risers: Gio Alfred Soriano Espuelas

Edad at taga saan ka sa Bataan
Gio: Ako ay 21 years old at pinanganak asko sa Balanga, Bataan.

Bakit basketbol ang nahiligan mo?
Gio: Pinili ko yung basketball kase maliit yun na ang aking passion at masayang masaya ako pag naglalaro. Nag-varsity ako sa Bataan Peninsula State University ng isang taon, first year college ako nung time na yun -- 2014-2015.

Ano yung pakiramdam na kasama ka sa Bataan Risers?
Gio: Napakasaya ko kasi naging part ako ng Bataan Risers. Di ko ine-expect na yung mga napapanuod ko mga idol ay kasama ko na sa isang team. Sabi lang nila sa akin, wag ko isipin na di ako makukuha kase may naipakita naman din daw ako last season. Pinapalakas nila yung loob ko hanggang sa yun sinwerte ako na mapasama sa team.

Ano yung experience naglalaro ka para kay Jojo Lastimosa na tinuringan as one of the 40 Greatest PBA players?
Gio: Sabi nga ng tatay ko napakaswerte ko kase si Coach Jolas ang head coach, isa sa pinakamagaling sa PBA. Marami nga naman akong matututunan bilang player kaya lahat ng sinasabi ni coach sa akin yun lang sinusunod ko. Binibigay ko lagi ang best ko bawat practice.   

So one-of-a-kind ba yung experience representing your hometown of Bataan?
Gio: Napakasarap sa feeling na naglalaro ka para sa home town mo. Yung tipong gaganahan ka sa mga kababayan mo kase binibigay nila lahat para masuportahan ang Risers.

Sino yung pinakamakulit at masayang teammate sa Bataan Risers at bakit?
Gio: Si Jayjay Alejandro! hahaha, napakamasiyahin kase. At puro kalokohan pero kapag practice at game na – seryoso na. Tamang balanse.

May pagkakataon ang Bataan Risers na lumahok para sa kampeonato. Ang masasabi mo rito?
Gio: Siguro karangalan na din para sa kanila pag nakuha naten ang championship magiging proud lalo silang na maging BataeƱo.


No comments:

Post a Comment