by rick olivares
The Bataan Risers are currently
the hottest team in the Datu’s Cup of the Maharlika Pilipinas Basketball
League. Following their 76-69 conquest of the tough Cebu Sharks, the Risers now
are in the midst of an eight-match win streak; the longest in league history.
We spoke to some players about
their thoughts of this streak.
Gary David
Sa akin, ginagawa ko lang ang
best ko every game. Pumupunta ako sa game ang mindset ko ay mananalo kami. Game
to game lang lagi at hindi ko tinitignan ang susunod. Basta game day, kung sino
yung kalaban doon ako naka-focus.
Tapos mamalayan mo na lang
susunod na panalo niyo. Basta good game plan at kundisyon ang katawan ang
laging importante bago ka sumabak sa laro. Yung ang sikreto sa mga panalo na
ito.
Byron Villarias
Every game lagi namin iniisip na
one game at a time. Hindi puwede marami kang iniisip. Focus lang. At siyempre,
sa team, kasama na ang coaching staff at management, tulungan lang at sumunod
sa game plan. Yan ang formula.
Gab Daganon
Pinapakita lang namin na isang
team talaga kami kasi iisa lang ang goal namin. Kahit na wala pa talaga kami sa
tamang form kung baga may ibubuga ang Bataan Risers.
Mark Pangilinan
We have been doing a good job on
and off the court kaya siguro nakuha namin yung eight-game win streak. Sana
tuloy tuloy na ‘to.
Robbie Celiz
Yung effort na pinakita namin sa
streak na ito, hindi lang dapat tuloy tuloy pero ihigit ang effort kasi mas
mahirap pa yung mga kalaban. One game at a time ang mindset. At sumunod sa
Sistema at game plan.
Jeepy Faundo
Sa game siyempre, ibibigay natin
yung best. Pero yung best na yun dapat higit 100% kasi baka kapusin. Mas
matindi pa mga makakalaban natin. Pero masarap ang mga panalo na ‘to.
Jayjay Alejandro
We struggled throughout the game
against Cebu but the bench really stepped up particularly in the second half.
The good thing about our team is anybody can shine at any given time. That has
helped us in this win streak.
No comments:
Post a Comment