BLEACHERS BREW EST. MAY 2006

Someone asked me how my blog and newspaper column came to be titled "Bleachers Brew". It's like this, it's an amalgam of sorts of two things: The bleachers area in the stadium/arena where I used to sit when I would watch baseball, football, and basketball games and Miles Davis' great jazz album Bitches Brew. That's how it got culled together. I originally planned on calling it "The View from the Big Chair" that is a nod to Tears For Fear's second album, Songs from the Big Chair. So there.

Sunday, September 30, 2018

Meet the Bataan Risers' homegrown Bataenos: Christian Capuli


Each team playing in the Maharlika Pilipinas Basketball League is required to sign up three (3) homegrown players. Now meet them.


Profile on the homegrown Bataan Risers: Christian Medina Capuli


Edad at taga saan ka sa Bataan
Christian: 25 years old ako at taga-Samal, Bataan!

Bakit basketbol ang nahiligan mo?
Christian: Marami ako natutunan sa sports. Hindi lang yung values ng teamwork at hardwork kasama na rin yun respeto sa mga nakakataas at yung mga pagkakataon na binibigay ng laro tulad ng education. Sa basketball lang ako sumaya kaya minahal ko talaga ung paglalaro. At idol ko si Ranidel De Ocampo. Ibang klase siya maglaro at magdala ng pagkatao niya.

Nag varsity ako simula high school hanggang college sa Bataan Peninsula State University noong 2010-2014.

Ano yung pakiramdam na kasama ka sa Bataan Risers?
Christian: Siyempre masarap sa felling na tinatawag kang, “MBPL player yan. Bataan Risers yan. Malakas yan. Kaya nakuha yan sa dami daming magagaling sa Bataan isa siya sa napiling ma-line up sa Bataan Risers.” May-pride ka dahil nakasama ka rito. Malaking karangalan.

Ano yung experience naglalaro ka para kay Jojo Lastimosa na tinuringan as one of the 40 Greatest PBA players?
Christian: Masaya ako na yung mga pangarap ko nung bata ako na makakalaro ko din sa professional na liga ay natupad. Tapos Jojo Lastimosa pa yung coach na tinitingala na isa sa best natin sa buong kapuluan… malaking bagay ito para sa akin.

So one-of-a-kind ba yung experience representing your hometown of Bataan?
Christian: Siyempre masarap sa pakiramdam. Dati lang nasanay lang ako ipaglaban yung barangay ko kung saan ako nakatira at yung college school kung saan ako nag aaral pero ngayon iba yung pinaglalaban ko at ng koponan namin… pinag lalaban namin ang buong Bataan.

At “Bataan” na nakalagay sa uniporme ko so masarap sa pakiramdam. At proud akong taga-Bataan ako at pinag lalaban ko ang sarili kong bayan. Lalo kang gaganahan maglaro dahil todo suporta ung mga taga-Bataan tuwing mag-game kami.

Sino yung pinakamakulit at masayang teammate sa Bataan Risers at bakit?
Christian: Ang pinakamakulit para sa akin siguro si Gio Espuelas kasi ano ano lumalabas sa bibig niya na salita at masayahin tao din siya.

May pagkakataon ang Bataan Risers na lumahok para sa kampeonato. Ang masasabi mo rito?
Christian: Championship ang sisimbulo ng tagumpay ng bawat Bataeño. Sa tagumpay man at kabiguan sama sama namin ipinaglalaban ang hangarin maangat ang husay at galing ng Bataeños.


No comments:

Post a Comment