This appears on philstar.com
An exclusive interview with Hubert Cani
by rick olivares
After the UAAP Board decided to allow Ateneo’s Hubert Cani to suit up this Season 78 (National University was the only school to vote against their former high school standout from playing), we spoke with the Blue Eagle point guard over the phone.
Rick: How did you feel when you heard the news that you could play come UAAP Season 78 this weekend?
Hubert: Nung una ko marinig yung balita kanina sobrang saya ko. Bago lumabas yung desisyon, hindi ako mapakali. Ninenerbyos. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa mga tumulong from Sen. Cayetano to Congresman Puno at sa marami hindi lang sa akin ‘to pati na rin yung lahat ng student-athlete.
Rick: Last season, nag-sit out ka from playing UAAP basketball. Masakit ba yung experience na yun? Or did it motivate you?
Hubert: Nung first year ko sa Ateneo, ginamit ko yung time ko mag-adjust sa Ateneo culture. Lalo na mahigpit sa studies. Sa court naman, ginamit ko yung time ko to improve on my skills and use it as motivation so when I can play, makatulong ako sa Ateneo. Na-frustrate din ako pero tinulungan ako ng parents ko at yung mga teammates ko. Syempre, napapanood mo sila maglaro tapos nandun ka sa tabi hindi ka makatulong.
Rick: A few weeks ako, nag-desisyon yung UAAP Eligibility Committee na hindi ka palaruin. Na-down ka ba sa balita na yun?
Hubert: Na-down ako pero kasi akala ko makakalaro na ako pero may mga obstacles pa. Di tulad last year, medyo natanggap ko kahit masakit. Nung isang linggo, ang hirap. Nawawalan ako ng focus. But yung mga coaches at teammates ko ay hindi ako pinabayaan. Lagi nila sinasabiTna kailangan ready ako. Tutulungan naman ako ng Ateneo.
Rick: Going back to the decision not to play for NU but go to Ateneo, how did that happen?
Rick: Unang una sa NU tignan mo yung point guard position, they had Gelo Alolino, Rev Diputado, Pao Javelona. Wala naman nagsabi hindi ako makakalaro. Yung point guard situation ng Ateneo, medyo kulang so parang best-fit for me. And lagi mo maririnig na malaking bagay yung education. Pero kasama sa desisyon yun.
Rick: Yung ibang mga nakalaban mo nung high school teammate mo na sa Ateneo seniors — sila Jerie Pingoy, Matthew and Mike Nieto, at Aaron Black. Kumusta kayo so far?
Hubert: Malaking bagay kasi sila rin yung mga tumutulong sa akin sa pag-adjust sa Ateneo.
Rick: You will be the first NU high school player to suit up for an Ateneo team in the UAAP. How does that sound for you?
Hubert: Malaking bagay yun para sa program ng NU na yung mga player nire-recruit na ng iba. Para sa akin, masaya ako. Pero mas magiging masaya ko kung makatulong ako sa pagbigay ng championship sa Ateneo.
No comments:
Post a Comment