by rick olivares
At the conclusion of the Gatorade PBA Draft at
Robinson’s Midtown Place last Sunday night, I walked around the mall a bit
looking for a particular shop. While walking around, I bumped into coaches,
veteran PBA players, the just drafted, and the undrafted.
It was the latter that I was more interested in;
their thoughts and feelings.
A few of them walked around as a group all headed for
the parking lot to leave. Some walked around with girlfriends and looked disconsolate.
A couple of them walked over to vent.
Here are the thoughts of one player – and it is
pretty much consistent with the feelings of three others I was able to chat
with for a while at the mall after the draft -- who spoke with me at 5am
Monday. He requested that he remain anonymous. Despite the hurt and pain, he
remained hopeful about fulfilling his PBA dream.
This is what he said; word for word. Nothing has been
changed or deleted.
Hindi ako
nakatulog kagabi. (laughs). Medyo masama loob. (pauses) Bakit ganun? Yung iba
wala naman naipakita sa NCAA o UAAP, sa D-League o sa draft combine tapos na
draft sila. Hindi ko maintindihan.
Maganda
naman ang naipakita ko pero walang pumansin. Pero yung iba samantala anak ng
coach o kamag-anak ng coach. Siguro ganyan talaga. Kung sino kilala mo.
Pagkatapos
na magpalitan yung Blackwater at Kia ng mga draft pick nila pagkatapos ng
second round, nanlalamig na ako. Parang nawalan ako ng gana. Umaasa pa rin pero
wala yung inaasahan natin.
Bilang
basketbol player gusto ko na pansinin ako pero nung matapos na yung draft
ayokong may pumansin sa akin. Parang nakakahiya. Pilit ko magmamadaling makaalis.
Syempre alam naman natin na suntok sa buwan yan draft kung hindi ka superstar o
galing sa malaking eskwelahan. Lalo na napakadami namin.
Matatanggap
ko naman yun pero yung mga huling pick magtataka ka bakit sila? Sino sila?
Hirap kumain
pagkatpos. Walang gana. Nahihiya rin ako sa girlfriend ko. Syempre nagbibigay
siya ng payo at encouragement pero nahihiya ako kasi parang hindi ko siya
naririnig. Malalim lang ang iniisip. Bilang manlalaro iisipin mo na, “hindi ako
nakasama doon (sa PBA). Hindi ako kabilang sa mga tawag na sa mga best players
sa bansa.”
Syempre
naman magtrarabaho tayo. Magtatanong kung may mga nagpapa-tryout. Kung wala ay
babalik sa D-League at magpapkita ng kakayahan at sana may pumansin.
Magsusumikap ako na makamit yung pangarap ko na makapaglaro sa PBA. Hindi lang
naman yan para sa akin at para rin sa magulang ko at sa magiging pamilya ko.
Naalala ko
nung sa draft combine nagsalita si Dondon Hontiveros at sinabi niya na kapag
hindi ka ma-draft ay magpursige. Pataasin pa yung laro natin. Challenge para sa
amin na manlalaro na makabalik.
Ganyan
talaga. Syempre. Masakit lang.
After hearing him out, I rattled off some names:
Wynne Arboleda, Reed Juntilla, Josh Urbiztondo, Jonathan Uyloan, and Mark Yee
to name a few who went undrafted but were able to latch onto a club and get
some meaningful playing time while playing quite a few years.
The said player understood and promised to not give
up on his dream as he will renew his efforts and try and come back as a better
player.
Makes one wonder how much the family of that stiff papot paredes gave to barako just for him to be drafted. Maiquez, paniamogan, and even roider are obviously better picks.
ReplyDelete